Monday, June 23, 2014

Drama

Tuwing naglalakad ako magisa o nag-iisa lang sa kwarto, kung ano anong pumapasok sa utak ko. Di ko man sinasadya pero dumadating ako sa puntong gusto ko ng matapos ang lahat. Baka isipin nyo gusto ko ng magpakamatay or mamatay, hindi ganun, gusto ko lang matapos lahat ng kadramahan ng buhay ko. Nakakabaliw naman kasi kung puros drama. Gusto ko laging masaya. Sabi nga nila it's your choice to be happy, pero gustuhin ko man maging masaya, ang hirap gawin. Ngaun, magisa nanaman ako sa kwarto, at ngaun isang drama lang naman nasa utak ko ngaun, ung crush ko. Nakakatuwa nga kasi alam ko ng walang pag-asa, kaso positive talaga akong baka magkaroon ng chance, ang baliw ko no. Paano naman kasi magkakaroon ng chance kung may ibang gusto naman di ba? Kahit pala crush mo lang siya, hindi maiiwasang maramdam iyong sakit ng katotohanan na hindi ka niya bet.Kalokang drama, ang babaw sobra. Happy lang sana, ayyyyy Lord pa good vibes naman diyan, matagal tagal na di ko un naramdaman.

No comments:

Post a Comment