Friday night, nagkayayaan lumabas. Nagkita muna kami ni rox sa salambao para magdinner at the same time para maghintay sa mga boys, eh daig pa kasi nila mga babae kung magayos..ayun habang naghihintay na rin tawag dito,txt doon para magimbita ng mga pwedeng kasama, kinig sa oldies songs, nakaktuwa din pa lang makinig ng old country songs, hay ang tagal namin nag hintay mga past 9 na ata kami umalis para pumunta sa sidegriller, tinawagan na din kami nila rowel na namdun na nga daw sila. Ayun, pagkarating dun, order agad, isang bucket ng red horse at isang bucket ng san mig apple. Ang tahimik ng dalawang kasama namin, ewan ko ba. Mapapanis na ata laway ko sa katabi kong si raffy, ayun nakikinig na lng kami ni rox sa banda na ewan, magaling sila, green jokes, haha. Susong bato daw, patawa naman si ateng di ako maka get over dun ahhh. Hinihintay din pala naming dumating nga taga crosslink, sila nins and si pj na galing pang duty. An boring talaga tapos umuulan pa. Nakita ko umalis na ung mga tao sa kubo, niyaya ko mga kasama ko na lumipat na lang sa kubo. Inum, kinig sa mga kumakanta kasi natapos na ung set nung banda kaya videoke, nagrequest nga ako ng song migraine ung kanta..ahay after very long years of waiting dumating na ung 3 crosslink, si jhomar, hansel, at si dionie. Di ko nga sila napansin na dumating, kasi busy ata ako sa pagtetext. Ayun umupo na sila order agad, naOp naman sila raffy at rowel, nagkaroon din kasi ng asaran agad,pinagpair pair nila si rox pinatabi kay hansel ako naman ayaw pinalipat para daw katabi ko si dionie, brrrrr. Ayun sila na lng naguusap pati ako naop...buti na lang nagtxt tong si rowel at nasosory, hindi ko alam kung anung problema, kaya pumunta ako sa labas para sundan siya at kausapin siya. Ayun nga medyo nabadtrip siya kasi nung pinalipat ko siya, at nagseselos daw siya, tinext pa nga niya si rox na mahal na daw niya si rox...bwahahahaa...pinakakatawang joke nung araw na un. Bumalik na kami sa loob, dun na ako malapit sa pntuan umupo katabi ni raffy,tumawag na din sila nins na nasa labas na daw siya, labas naman ako para sunduin ung dalawa. Spell Awkward nung dumating ung dalawa, andun kasi si raffy, na inaasar ni rox kay nins. haha so ang arrangement ng upuna left to right, rowell,jhomar,nins,hansel,rox,dionie,ako,pj,at si raffy, kaloka nga, tapos labas ule si rowel, sumama na din ako lmabas kasi naoop nga ako...eh kasi naman ung katabi ko tinalikuran ba naman ako, may kunting tama na rin ako medyo wal-wal na rin. Ayun labas muna ang tagal din nmin ni rowel sa labas, anu na nga ba nangyari after, d ko na maalala, pumasok kami ni rowel, kanta ko na pala tapos ending na nadatnan ko ayun tabi kami ni raffy toast na lng kami ni rowell, la na ako ehh, parang tanga na ako, ayun nagpaalam na sila raffy at rowell, op na tlaga sila eh. So aun lumipat na din si dionie ng upuan tumabi na sya sa akin. Hot trip sila hansel at rox, ako ata nagsimula, sabi ko bagay silang dalawa, hndi ko na alm, nagsisigawan na lng sila rox at dionie, may titigan na holding hands na naganap, at ang pinaka epik kong ginawa ,hinalikan ko sa cheeks si dionie, sheeeeeeeeeet talaga...parang napahiya ako dun...shet..di ko alam kung anung pumasok sa utak ko o dahil may tama na talaga Ko. Ayun umalis na kami dun hinatid na din kami. EPIK FAIL, d ko na lan ikwekwento ung serious talks. Problema, anung ihaharap kong mukha dun sa tatlo, ayoko ng umiwas, dahil ang pangiz nung ngyari nung umiwas ako...hahaha...nakachansing ako..matutuwa ba ako o mahihiya ako???letchugas naman daw kasi ako..
No comments:
Post a Comment